Paglingap sa Dilim

Ang artikulong ito ay nagwagi sa Division Secondary School Press Conference 2002 bilang Ikalawang Pwesto sa Pagsulat ng Editoryal.

Hindi na bago sa atin ang ideya ng’ ‘curfew’ sa bansa o pagbabawal sa mga tao na nasa labas pa ng bahay lampas sa isang nakatakdang oras. Kaya nga nang malaman ko na may ‘curfew’ sa aming lugar ay hindi na ako nagtaka.

Nagkaroon kasi ng pag- uutos na nagbabawal sa mga taong 18 taon pababa na makita pa sa daan pagkaraan ng alas- diyes ng gabi. May mga naunang magpalakd nito dahil na rin sa paniniwalang mababawasan ang krimeng nangyayari kung isakatutuparan ito ng mabilis. Ayon kasi sa mga istatistika, karaniwan ng mga karahasan ngayon ay nasasangkot na ang kabataan at ang karaniwang dahilan ay droga.

Narinig ko nga noong isang gabi lang na may nahuli raw roon malapit sa amin. Hindi naman daw ganoon na mapaghihinalaan mo ang hitsura ng binatang nahuli. Biglang may nabuo sa isip ko. Kung ganito nga ang magiging takbo ng lahat, mas magiging ligtas maglakad sa kalye na wala kang pinangangambahan na mangyaring masama. Karaniwan kasi ng mga gawain nililihim sa kinuukulan ay ginaganap tuwing wala ng araw at tulog ang matatandang siguradong sasaway sa kanila. Kaya, matalino nga na higpitan ang pagbababantay tuwing gabi.

Ngunit hindi ba magiging nakakatakot din sa lugar ng mga batang wala naman talagang ginagawa. Maaaring kailangan talaga at di maiiwasang lumabas ng bahay. Marahil, magtitiis na lang sila.

Ngunit dito lang ba dapat matapos ang lahat? Isipin natin na ang kabataang lulong sa droga ay may dahilan kaya niya ito ginawa. Mali na ang isang nahuli ay ikulong agad. Kung ito sana ay napigilan.

Bakit hindi gumawa ngb isang programa na lilingap sa mga kabataan. Subukan sana ng pamahalaan na gumawa ng paraan para maiwasan ang paggamit ng droga. At ito ay sa pamamagitan ng ‘counseling.’ Parang isang lugar na matatakbuhan ng mga binata o dalaga na namomobrelama. Ang magiging tungkulin ng programang ito ay bigyan ng solusyon ang suliranin ng mga bata upang hindi nila takbuhan ang droga. Sa paraan na ito ay aayos ang lahat. ‘Ika nga, “Prevention is better than cure.”

Ngayon, kung ang gobyerno ay naiisip na ang pagtatakda ng curfew ay isang paraan, kahit na ito ay mistulang kamay na bakal, hindi rin naman natin sila masisi. Kung sino man ang hindi sumunod ay siguradong may tinatago, di ba?

~ by dondon18 on May 1, 2008.

Leave a Reply